BY DELIA CUARESMA
Hindi lang pala balakang ang pinagawa ni Vice Ganda.
Kamakailan ay umamin ang “It’s Showtime” host na maliban dito, pinaayos rin niya ang kanyang mga mata, baba at pisngi.
Pero, giit niya, never daw siya nagpagawa ng ilong.
“Hindi pa ako nagpapagawa ng ilong. Ang ipinagawa ko lang ay mata. Kasi ang mata ko ay droopy, malungkot. Sabi nila hindi puwedeng nagpapatawa ka tapos malungkot ang mata. May malungkot na mata at malungkot na kilay kapag nakababa. So kailangan buka ang mata mo at ang kilay mo ay hindi pababa. So nilagyan ako ng talukap. Kasi mataba ang talukap ko. ‘Yun ang ginawa. Tapos sa (pisngi) botox-botox, lifting-lifting. Tapos sa baba, para may baba. Pero ‘yung ilong hindi ko pa napapagalaw eh,” kuwento ng komedyante.
Ganunpaman, pinagdiinan ni Vice Ganda na mas mahalaga ang kalooban kesa sa panlabas na anyo.
“Ang malinaw sa atin, ang pinakamalaking regalo natin ay hindi naman ‘yung mukha, ‘yung nasa loob, ‘yung puso. ‘Yung puso ang talagang regalo natin. Itong (panlabas) wrapping lang ito ng regalo natin. Ang totoong regalo natin ay ang puso natin,” aniya.
Eh di wow!