BY DANTE A. LAGANA
Ilang months na lang at manganganak na ang Kapuso singer na si Aicelle Santos-Zambrano.
Nasa 30th week na ang pagdadalang tao niya.
Puspos ang paghahanda nilang mag-asawang si Mark Zambrano para sa kanilang first baby.
Hindi nag-atubili si Aicelle na ipakita ang kanyang malaking tiyan sa Instagram.
Aniya, “Big, big belly…”
Dalangin ng mag-asawa ay maging maayos ang panganganak ni Aicelle.
In fairness sa anak nila mukhang matakaw ang baby nila nung makita sa ultrasound video.
Labis silang nagpapasalamat at nagiging emosyonal everytime na pinapanood nila ang video ng anak nila na isang blessing ni God para sa kanila.
Samantala, ipinost naman sa Instagram ng loving husband ni Aicelle ang resulta ng ultrasound ng kanilang anak.
Ani Mark, “We haven’t met but I already feel your strong spirit anak. I haven’t held you in my arms yet but I already know how athletic you will be with your strong kicks.
“Seeing your puffy cheeks and cute little fingers and toes makes me want to jump ahead through time so I can hold you and show you all the beautiful things our world still has.
“Till then stay strong in there anak. Daddy loves you. More than any love I’ve ever known.”
Naks, ang sarap naman pakinggan!