BY ROWENA AGILADA
Fake news ang kumalat na balita sa socmed na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil lang sa chocolate cake na paboritong i-bake ni Bea for him.
May tsika pang diumano’y magpapakasal na sila.
‘Kaloka ang imagination ng nagkalat ng fake news na ‘yun.
Sa isang interbyu ay sinabi ni Bea na never again niyang babalikan si Gerald. Sobrang na-hurt siya sa pang-ghosting nito sa kanya.
Sinabi pa ni Bea na ipasusunog ang bahay niya kapag nagkabalikan sila ni Gerald.
Na-ghosting din
Bitter-bitteran pa rin ba si Angelica Panganiban sa pang-iwan sa kanya ni John Lloyd Cruz?
Na-ghosting din siya ng aktor na bigla na lang itong hindi nagparamdam sa kanya.
Wala rin silang formal closure tulad nina Gerald at Bea. Pareho ng kapalaran sina Angelica at Bea pagdating sa lovelife. Wagas silang magmahal kapag may boyfriend. Pero iniwan pa rin sila ng mga lalaking minahal nila.
Totoo na?
Goodbye showbiz na nga ba talaga si Sharon Cuneta?
Noon pa binabanggit ni Sharon na gusto niya mag-retire sa showbiz kapag 55 years old na siya. She’s turning 55 January next year.
Nitong huli, nagpasabi uli ang aktres na mag-re-retiro na raw siya. Malapit na raw.
May mga nag-iisip naman na hindi raw kaya balak na rin ni Sharon pasukin ang pulitika, kaya mag-re-retire na siya sa showbiz?