BY ROWENA AGILADA
Matapos mag-emote sa social media na kesyo magre-retire na siya, ito at mukhang nagbago na naman ang isip ni Sharon Cuneta.
Sa latest post niya sa socmed, nilinaw niya na it’s not happening anytime soon dahil aniya, marami pa siyang kontratang kailangang tapusin.
Two decades pa raw bago siya mag-retire. Naku, huh!
May mga natuwa siyempre, lalo na ang fans and supporters niya.
Pero mas marami ang nainis dahil tila gumimik lang daw si Mega.
Anila, ituloy na lang sana ni Sharon ang pagre-retire, hindi ‘yung panay ang pa-press release niya tapos babawiin din.
Turning 55 na si Sharon January next year. Kung two decades pa bago siya mag-retire, by that time ay 75 years old na siya.
Siya ang dahilan?
Totoo kaya na ang biggest reason sa paglipat ni Khalil Ramos sa GMA7 ay ang girlfriend na si Gabbi Garcia?
Ito raw ang nag-encourage kay Khalil na lumipat na dahil gusto niyang magkatrabaho sila.
Kaloka!
Grabe talaga itong si Angelica Panganiban, huh!
Aba’y walang kiyeme siyang umihi kahit nakikipagtsikahan kay Glaiza de Castro para sa kanyang online show.
Talagang ipinakita pang nagpunta si Angelica sa comfort room dala ang kanyang laptop.
Face lang naman niya ang nakita, pero mai-imagine ng audience kung ano’ng ginagawa niya ‘diba?