BY ROWENA AGILADA
Hands-on mom si Coleen Garcia sa baby nila ni Billy Crawford na si Amari. Ayon kay Billy, almost every 30 minutes or every two hours ay pinapa-breastfeed ito ni Coleen. Sobrang thankful at hanga siya sa kanyang wifey sa mga sakripisyo nito for their son.
Ani Billy, sakaling gustuhin ni Coleen na mag-showbiz muli, hindi niya ito pipigilan. Si Coleen daw ang bahalang mag-desisyon.
For now, si Billy muna ang magtatrabaho for his family. Itinuturing niyang lucky charm si Baby Amari dahil dalawa agad ang shows niya sa TV5: “Lunch Out Loud” at “Masked Singer Philippines.”