BY MELL T. NAVARRO
ISA sa mga pinakamahuhusay na TV hosts si Billy Crawford, kung kaya’t nawala man ang prangkisa ng ABS-CBN na dati niyang home studio, nagbukas naman ang pintuan ng TV5 para sa kanya – hindi lang para sa isa, kung hindi dalawang bagong shows: “Lunch Out Loud” at “Masked Singers Pilipinas.”
Ngayong Lunes, Oct. 19 na ang simula ng daily noontime show nilang “Lunch Out Loud” with his co-hosts Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Ariel Rivera, K Brosas, Wacky Kiray (and more), directed by Johnny Manahan.
“Thankful ako sa bago kong kapamilya, ang TV5 because of these two blessings. Kapag may trabaho ang isang artista, ‘yun ang kaligayahan niya, dahil may mga pamilya rin kami,” sabi ni Billy, na isa nang bagong daddy sa baby nila ni Coleen Garcia.
“Masaya ang ‘Lunch Out Loud’, with high-energy segments. Everybody can play and win big cash prizes from home. We’re all doing this especially during the pandemic.
“Kami sa production ay magbibigay ng chance makatulong sa mga tao, sa tulong ng ating Panginoon.”
Of course, alam ng publiko ng nanggaling si Billy sa pagiging co-host ng “It’s Showtime” for many years, at kabangga rin nila sa noontime slot ang mahigit na apat na dekada na sa ere na “Eat Bulaga” ng GMA.
“Hindi po kami nakikipag-compete (sa ibang noontime shows). May mga nauna na po sa amin.
“We just want to send more love and fun. Magsama-sama tayong lahat. Unity and humility is very important for us,” dagdag ni Billy.
Bukod sa “Lunch Out Loud,” blocktime-produced rin ng Brightlight Productions for TV5 ang “Sunday Kada,” “Rated Korina,” “I Got You,” “Oh My Dad!,” at “Sunday Noontime Live.”
Samantala, as a prime talent ng Viva Artists Agency, main host rin si Billy ng “Masked Singers Pilipinas,” na co-produced naman ng Viva Television with TV5 and Cignal TV.
On the record na ang nasabing reality-singing competition na ito ay ang No. 1 most entertaining show sa USA, at nasa bansa na nga ito at magsisimula naman itong umere sa Kapatid network sa Oct. 24, Sabado, 7pm.
Huhulaan ng televiewers kung sino-sino ang mga singers or artists na nasa loob ng maskara at costumes na kilala ng Pinoy ang characters. Puwede ring baguhin ang timbre ng kanilang boses.
“This one is really fun. Worldwide hit ito and I am just humbled to be the host sa version ng Pilipinas. Kailangan ng bansa natin ang mga ganitong klaseng shows lalo na ngayong may crisis,” say ni Billy.
Ang regular judges naman ng “Masked Singers Pilipinas” ay ibang pang prime artists ng Viva na sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, at Kim Molina.
Makikita rin ba ang misis niyang si Coleen sa TV5 soon, dahil si Billy na yata ang puwedeng sabihing bagong “hari” ng Kapatid network with his two new shows?
“Magkahiwalay kasi ang sa personal at sa trabaho namin ni Coleen. Hindi kami nag-iinfluece sa isa’t isa. Right now, she’s hands on siyempre sa baby namin, and she’s breast feeding.
“Kung ready na siya soon to work, why not? Pero for now, ay ako muna. Ang laki ng naging pagbabago sa buhay ko ng pagiging new dad. I can’t say for anything more for all these blessings,” pagtatapos ni Billy.