BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Galit na galit ako last week kasi nagloloko ang mga online banking app ko! Hindi ko na sasabihin ang mga pangalan ng banko pero yung isa, they find ways, at yung isa naman, may island! Pero ang pinakamatinding nagloloko last week eh yung they find ways! Nakapasok nga ako sa online banking app nila, pero pagdating sa loob eh biglang mapuputol. Tapos papasok ulit ako, akala ko OK na, biglang putol na naman! Hindi ako nakawithdraw, hindi ako nakapagbayad ng bills, at hindi ako natahimik! Nangyari rin ba sayo ito?
Sally ng Quezon City
Hi Sally,
OO nangyari rin sa akin yan! Buti sana kung hindi ka na lang pinapasok eh! Yung hindi ka makapasok dahil offline, mas OK pa yun! Parang maihahalintulad mo siya sa na may girlfriend ka na pinapasok ka sa kwarto niya, tapos tuwang-tuwa ka dahil nakapasok ka sa kwarto niya. Tapos sinabihan ka niya na maghubad, at naghubad ka naman. Yung nakahubad ka na at akala mo may mangyayari sa inyo, bigla ka niyang sasabihan na may period pala siya! Ang ending, nasa loob ka nga ng kwarto pero nganga ka!
*
Hi Alex,
Mukhang napapadalas na ang ulan at may mga parating na bagyo. Nakakalungkot kasi nasa pandemic tayo at baka madagdagan pa ang problema natin kapag bumaha dahil sa bagyo. Mga ilang bagyo pa ba ang inaasahang darating ngayong taon Tito Alex?
Crisper ng Makati City
Hi Crisper,
Mukhang marami-rami pa ang papasok na bagyo sa bansa natin. May iba, hindi naman tatama sa Luzon o Metro Manila. Alam kong nag-aalala ka pero ako, isa lang ang pinoproblema ko. Ang dolomite! Sana, maging matatag siya at ‘wag siyang bibitiw! Labanan niya ang mga pagsubok na darating kasi marami ang nakatingin sa kanya at inobserbahan kung hanggang kelan siya magiging matatag! Kaya kung nababasa ito ng dolomite, kapit lang besh!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo. com or facebook/twitter/ instagram: alexcalleja1007.