BY RUEL J. MENDOZA
Mukhang maayos na ang dating magkarelasyon na sina Heart Evangelista-Escudero at Daniel Matsunaga.
Noong nakaraang birthday ng mister ni Heart na si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, kabilang si Daniel sa bumati rito sa pinost na photo ni Heart via Instagram.
Bumati si Daniel ng “Happy birthday po.” Nag-reply naman si Heart in Portuguese, ”Obrigado makako,” which means “thank you.”
Nagkaroon ng relasyon sina Heart at Daniel noong 2010 habang ginagawa nila ang GMA teleserye na “Langit Sa Piling Mo.”
Pero in 2012 ay biglang naghiwalay ang dalawa.
Obvious na nahanap na ni Heart ang partner in life niya, pero single pa rin si Daniel.