BY JUN NARDO
Simpleng bag lang ang ginagamit ngayon ni Ruffa Gutierrez kapag lumalabas ng bahay. Nakatabi muna ang mamahalin niyang mga bag pati na sapatos.
Sey niya, “Simple lang ang mga gamit ko ngayon dahil wala naman akong masyadong lakad.”
Mala-lock in muli si Rufing sa mga darating na araw para sa taping ng “Stay in Love” for TV5.
Natutuwa naman siya dahil kahit may pandemic na dala ng COVID-19, tuluy-tuloy ang trabaho niya.
Teka, in love ba siya ngayon?
Tugon niya, “Ano ba? Nakatira ako sa parents ko ngayon sa White Plains, ‘no!”
Ibig sabihin bantay-sarado siya ng inang si Annabelle Rama.
Katatapos lang gawin ni Ruffa ang digi-movie series na “The House Arrest Of Us.”