BY RUEL J. MENDOZA
Sa November na ang launch ng Dingdong PH, ang delivery app ng aktor na si Dingdong Dantes.
Inaayos na lang daw ang ilang features ng naturang app at go na go na daw ito.
Gustong siguruhin ni Dong na hindi magamit sa panloloko ang kanilang delivery app.
“Alam n’yo marami talagang walang puso na nagagawa ‘yun para lang manloko ng kapwa. That’s why ‘yung mga safety measures talagang tina-tighten natin dito sa app,” diin pa ni Dong.
“One way to do this is to automate everything, especially the payment. So halimbawa um-order, we will make sure that we all have the possible payment gateways para do’n pa lang matapos na ‘yung order mo, para ma-confirm na bayad na, ide-deliver na lang. Hindi ‘yung pagdating ng rider do’n, hindi pala sa ‘yo ‘yung order tapos wala ‘yung magbabayad, ‘di ba?
“Kasalukuyang pinapaganda pa namin para maging seamless pa ‘yung customer experience so para kapag nag-order kayo, talagang walang kapalya-palya,” paniguro ni Dong.
Binuo ni Dingdong ang naturang delivery app para mabigyan ng trabaho ang maraming displaced workers sa entertainment industry.