BY JUN NARDO
Hiwalay na raw ang isang sikat na aktres at ang foreigner boyfriend nito?
Nagsimula ang bulong-bulungan dahil wala nang pinu-post na picture sa social media ang aktres na magkasama sila.
E, magaling sumagot ang aktres nang matanong siya tungkol sa dito.
Wala siyang kumpirmasyon pero sa ilang taong malalapit sa kanya e, nababanggit niya ang estado ng relasyon.
Siyempre, may isang taong malapit sa aktres na nagbubunyi sa pakikipaghiwalay ng anak na aktres sa non-showbiz boyfriend, huh!
May target
Millenials at Gen Z ang target nang bagong show ni Gabbi Garcia para sa GMA News TV titled “In Real Life (IRL).”
Isa itong youth-oriented show kung saan ihahatid ni Gabbi ang latest updates at iba’t ibang trending topics na ika nga ay may “lit” o “exciting” para sa mga kabataan lalo na ngayong digital age.
Swak na swak kay Gabbi ang bagong show dahil bukod sa galing niya sa hosting, isa rin siya sa mga artista na malakas ang presence online.
Siyempre pa, looking forward din si Gabbi na makasama sa isang show o series sa GMA an boyfriend na si Khalil Ramos na tumalon na sa Kapuso network mula sa Kapamilya station.