BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
May bago kaming aso. Binigay ng kaibigan ko, poodle siya at very cute. Nagtataka nga kami kung bakit binigay sa amin eh mahal ito at napaka-cute talaga! Kaya lang tumatae ng madaling araw. Nagigising kami sa baho ng tae niya, sobra talaga! Sa sobrang baho, pumapasok sa panaginip ko ang amoy! Hindi lang yun, humihilik rin siya at daig pa ang hilik ng tao sa lakas! May alam ka bang solusyon sa pagtae niya sa madaling araw at paghilik Tito Alex?
Yunna ng Novaliches
Hi Yunna,
Ginawa mo pa akong vet ha! Ngayon alam niyo ang dahilan bakit binigay siya sa inyo ng kaibigan niyo. Ang solusyon dyan, ibalik niyo sa kaibigan niyo!
*
Hi Alex,
Apektado ako ng nangyayari sa Manila Bay. Ano ba talaga ang totoo, unti-unti ng nawawala ang dolomite at nawawash-out, o natatabunan lang siya ng itim na buhangin. May nabasa rin ako na bumabalik din ang dolomite kapag nawash-out. Ano ba talaga ang totoo?
Daisy ng Cubao
Hi Daisy,
Gusto mo malaman ang totoo? Ang totoo eh wala na ang perang ginastos dyan! Hindi na iyon babalik dahil na-washout na! Natabunan na rin ang issue ng Philhealth! At yan ang totoo!
*
Hi Alex,
Madalas ako magpamasahe at hard massage ang gusto ko. Kaya lang, ang ayaw ko yung oil na pinupunas sa katawan ko kaya pagkatapos ng masahe, naliligo agad ako. Pero may nagsabi sa akin na bawal daw ang ginagawa ko kasi masama raw ang maligo pagkatapos magmasahe. Totoo po ba na kapag nagpamasahe eh bawal maligo?
Shaina ng Alabang
Hi Shaina,
Hindi ko alam kung totoo o hindi. Sabi nila, mapapasma ka daw kaya hindi dapat maligo. Ang sabi naman ng iba, pwedeng maligo pero dapat mainit na tubig. Pero ang sigurado akong bawal eh naliligo ka habang minamasahe, yan ang talagang bawal kasi happy ending yan!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.