BY DELIA CUARESMA
Naku, huh!
Ano kaya ang dahilan bakit hindi nagpakita itong si Jay Sonza sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division?
Pinatawag kasi ito ng tanggapan Nov. 6, upang magpaliwanag hinggil sa pahayag niya sa Facebook na buntis diumano itong si Julia sa anak nila ng actor na si Gerald Anderson.
Hindi rin daw nagpadala si Jay ng representante o nang liham man lang para magpaliwanag.
Hmm, sadya kayang malakas ang loob niya o wala lang talaga siyang pakialam?
Nakaka-intriga, huh!
Ayon sa NBI, ipagpapatuloy pa rin nila ang imbestigasyon sa kaso.
“Sonza can still present his side once the NBI recommends the filing of a case in the prosecutor’s office,” dagdag ng ahensya.
Una nang nagsampa ng reklamo si Barretto kay Sonza noong Setyembre.
Ito ay kahit binawi na ni Sonza ang kanyang maanghang at malisyosong pahayag ukol sa kanya.