BY ROWENA AGILADA
Break na ba si Zanjoe Marudo at non-showbiz girlfriend niya? Nali-link siya ngayon kay Angelica Panganiban na katrabaho niya sa “Walang Hanggang Paalam.”
O, baka naman bahagi lang ito ng promotion ng kanilang teleserye?
Walang confirmation, walang denial mula kina Angelica at Zanjoe. Mukhang sinasakyan nila ang pakilig na ito para sa mga tagasubaybay ng kanilang teleserye.
Sino kaya ang tinutukoy ng BFF ni Angelica na si Glaiza de Castro na nagpapasaya ng puso niya ngayon at nagki-care about her? Si Zanjoe kaya o ‘yung foreigner guy na inireto ni Glaiza kay Angelica?
Isinama
Mabuti at pinayagan ng GMA7 na isama ni Mikael Daez ang wife niyang si Megan Young sa locked-in taping ng “Love of my Life.”
E, di ba bawal ang may kasama? Bawal din ang may dumalaw sa cast. Ang lakas naman ng dalawa sa GMA7!
‘Yung co-stars ni Mikael sa “LOML” ay solo lang sa set. Kahit alalay daw wala.
Mabuti at wala sa kanila ang nag-reklamo ukol kay Mikael at Megan.
Bidang-bida
Bidang-bida si Jericho Rosales and his wife Kim Jones na tumulong at nag-rescue sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Ulysses sa Tumana, Marikina City.
Doon nakatira si Jericho noong hindi pa siya artista at hindi siya nakakalimot sa mga dati niyang kaibigan at kakilala sa Marikina.
Noong bagyong Ondoy ay tumulong din si Jericho sa mga nasalanta. Binata pa siya noon.
Nagtatanong naman ang netizens kung nasaan daw ba at ano’ng naitulong ni Coco Martin sa mga nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses?
Missing in action daw ang aktor.
Baka naman hindi na lang ipinaalam ni Coco sa media ang pagtulong niya?
Tumulong din
Nagbenta si Willie Revillame ng kotse para makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Kumita raw siya rito ng P7 million na agad niyang ido-donate sa mga residente ng Montalban, Rizal at Marikina City.
Tunay ngang mabait at galante itong si Kuya Wil!
Kabilang ang mga nabanggit na lugar sa matinding naapektuhan ng bagyo.