BY RUEL J. MENDOZA
Ginagamit nang mabuti ni Kapuso star Gabbi Garcia ang social media upang makahingi ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Naurong ang pilot airing ng kanyang show sa GMA News TV na “IRL (In Real Life)” para magbigay daan sa balita at updates sa bagyo.
Ngayong araw na mapapanuod ang first episode ng nasabing reality program kung saan una niyang guest co-host ang kanyang boyfriend at bagong Kapuso na si Khalil Ramos.
Humingi ng pasensiya si Gabbi sa kanyang fans dahil late na rin siyang nakapag-post tungkol sa pagkaka-postpone ng first episode ng show.
“Hi guys. The pilot ep of ‘IRL’ will air on Nov. 19 instead. So sorry I wasn’t able to update you guys yesterday. We had no signal and power. Praying for everyone’s safety. please please take care.”