BY ROWENA AGILADA
May libreng pabahay sina Robin at Mariel Padilla sa kanilang mga kasambahay.
Ani Mariel sa kanyang vlog, sukli nilang mag-asawa ‘yun sa loyalty at pagmamahal na ibinibigay ng mga ito sa kanila.
Pinagawan nila ng apartments ang kanilang mga kasambahay sa Museo Padilla kung saan may mga kinukupkop din na Muslim families si Robin.
Ini-open na rin ni Robin ang naturang lugar para sa mga Kristiyanong staff ni Mariel.
Matatapos na
Almost finished na ang Casa Ezperanza ni Zsa Zsa Padilla sa Lucban, Quezon. Kitchen at dining areas na lang ang tinatapos. Ang partner niyang si Architect Conrad Onglao ang gumawa ng design na very pleasing, relaxing at cozy ang ambience.
May mga casitas (o villas), may infinity pool, may iba’t ibang halaman at puno ang paligid at may mga alagang ibon sila.
Tanaw din ang kalapit na kagubatan .
Ideal for honeymooners ang Casa Esperanza at sa mga bakasyunistang gusto ng privacy.
Lilipat?
Posible kayang lumipat si Sarah Geronimo sa TV5? Diumano, “nililigawan” siya ng network.
Sundan kaya ni Sarah ang hubby niyang si Matteo Guidicelli na isa sa mga judge detectives ng “Masked Singer Pilipinas?”