BY JUN NARDO
Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Derek Ramsay at Andrea Torres ukol sa kanilang relasyon as of this writing.
Ayon sa tsismis, hiwalay na daw ang dalawa.
Nakatakda pa sana silang magsama sa isang bagong series na dahil sa balitang hiwalayan e, mukhang malabo na.
Samut-saring batikos ang inabot ni Derek sa social media dahil sa tsismis.
Hindi pinalampas ni Derek ang ilang negatibong comment, huh!
Katulad ng isang netizen na nagsabing, “Tapos napo ang tikiman.”
Sinagot ito ni Derek ng maiksing “Bastos.”
May isang netizen naman na nagsabing, “Every girl na nila love team sa kanya ay nagiging gf niya.
Diin ni Derek, “There is no truth to what you are saying!!! Andrea is the only leading lady I had that became my girlfriend.”
Nasabi naman ang isang netizen na, “I think he’s not into marriage.”
Saad ni Derek, “I think you are wrong.”
Sa hindi nakaaalam, nakasal na dati si Derek sa isang non-showbiz girl na kung hindi kami nagkakamali e ina ng kanyang binatilyong anak.
Upang makakuha ng reaction, nag-text kami sa manager ni Derek na si Jojie Dingcong but as of press time, wala pang reply sa amin si Jojie.
Abangers na lang tayo kung sino ang maunang magsasalita kina Derek at Andrea tungkol sa hiwalayan nila.