BY ROWENA AGILADA
Sadya kayang ipinapakita at ipinaparamdam ni KC Concepcion sa kanyang Mama Sharon Cuneta na mas close siya sa kanyang Papa Gabby Concepcion?
Recently ay mag-ka-date ang mag-ama sa isang restaurant sa Makati at sa napanood naming video, halatang na-miss ni KC ang kanyang Papa Gabby.
Panay ang sabi niya ng, “I miss you, Papa. I love you Papa.”
Mula 7 pm hanggang 12 midnight ay magkasama silang mag-ama.
Umiyak pa si KC noong maghihiwalay na sila na para bang ‘yun na ang huling pagkikita nila.
Noong nakaraang birthday ni Gabby last Nov. 5 ay magkasama rin sila ni KC sa The Farm sa San Benito, Batangas.
Birthday treat ‘yun ni KC sa kanyang Papa Gabby.
Kasama rin nila ang half siblings ni KC na si Garrie at dalawang anak ni Gabby sa kanyang present wife.
Talagang nag-e-effort si KC na magkita at mag-bonding sila ng kanyang Papa Gabby.
Just wondering kung ano’ng reaction ng kanyang Mama Sharon na may time si KC makipagkita sa kanyang Papa, pero hindi pa natin nabalitaan na nagkita na silang mag-ina ngayong pandemic.
Compatible
Sa interbyu ni Ted Failon kay Matteo Guidicelli sa radio program nila ni DJ ChaCha sa Radyo 5, sinabi ni Matteo na hindi sila nagmamadali ng wife niyang si Sarah Geronimo na magka-baby.
Nasa stage pa daw sila na kinikilala nilang mabuti ang isa’t isa.
Araw-araw ay may natututunan sila about each other and they have so many things in common.
Compatible sila sa maraming bagay.
Nine months nang married sina Matteo at Sarah. Kung nagbuntis agad siya, sana’y may baby na sila this Christmas. First Christmas nila this year as a married couple.