BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Mahilig maglaro ang mga anak ko ng online games. Kadalasan eh sa madaling araw sila naglalaro. Ang lakas sumigaw na akala mo eh may away sa loob ng bahay namin. Nagising ako ng isang gabi, alas dos ng madaling araw kasi narinig ko ‘yung anak ko simisigaw na:
“PATAY AKO, HINDI KO NAKITA!”
“ALIS KA DYAN, SASABOG KA!”
“ANG BAGAL NG CONNECTION!”
“SA LIKOD MO! SA LIKOD MO!
“ANG LAKAS! ANG LAKAS”
Paano ko ko kaya sila mapapatigil sa maingay nilang laro?
Donald ng Alabang
Hi Donald,
Bunutin mo INTERNET!!! O kaya ikwento mo ito sa mga anak mo. ‘Yung kapitbahay namin na gabi-gabi maingay dahil naglalaro ng online game. Nasanay na kaming mga kapitbahay na maingay sila sa madaling araw. Ganyan din ang mga sinisigaw. Eh nung isang araw, pinasok sila ng magnanakaw, sumisigaw sila eh hindi namin pinansin kasi akala namin naglalaro lang sila ng online game!
*
Hi Alex,
Adik po ako sa social media. Kaya naman ako adik sa social media eh dito ako naghahanap ng mga magagandang babae para imessage at kilalanin. Madalas eh hindi ako pinapansin, may iba, pinapansin ako. At OO, nabiktima na rin ako ng poser o ‘yung mga gumagamit ng ibang picture pero iba pala sa personal. Pero ang pinaka-ayaw ko sa lahat, mga tunay na lalake na ang profile picture eh babae. Bakit may mga lalake na gumagamit ng picture ng babae?
Pablo ng Los Angeles, California
Hi Pablo,
Bago ang lahat, kumusta diyan sa mga kababayan natin sa USA. Dalawang bagay lang ang mga tunay na lalakeng gumagamit ng picture ng babae sa profile pic, parang mag-scam o dahil ‘yun ang picture ng girlfriend nila o asawa. Galit ako sa scammer kaya hindi ko gusto ‘yung unang dahilan. ‘Yung pangalawa, naiintindihan ko. Kaya sila gumagamit ng picture ng girlfriend or asawa nila eh kasi umiiwas sila sa tukso o kaya nahuli na sila ng mga dyowa nila kaya nagpapakatino na! Pero ang payo ko sa mga lalakeng ang gamit ay picture ng girlfriend o asawa nila, lagyan niyo naman ng warning na lalake kayo para hindi kayo napapadalhan ng friend request!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.