BY RUEL MENDOZA
Hindi sapat na dahilan ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay upang maging malamig ang Pasko ni Andrea Torres.
Ani ng seksing dalaga kumpleto pa rin ang Pasko niya dahil sa kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya unconditionally.
“Ever since naman ‘yun ang number one: to make sure na makapag-bonding kami and ma-spend namin ang Christmas na kasama lahat ng mga mahal namin sa buhay.
“Feeling ko ngayon mas magiging meaningful kasi hindi mo na muna iisipin kung saan kayo magta-travel o ano’ng gift ang ibibigay mo. It’s more of celebrating na maayos kayong lahat, nakakakain kayo, at siyempre ang totoong meaning ng Christmas is ang Panginoon,” sey ni Andrea.
Pinagdarasal niya ang kalusugan ng maraming taong malapit sa kanya.
“Importante na ma-enjoy pa rin natin ang Pasko, maging healthy tayong lahat, kasama natin ang pamilya natin, and i-count natin ang blessings na mayroon na tayo.”