BY JUN NARDO
Nagluluksa ang local music industry sa pagpanaw ng music icon na si April “Boy” Regino.
Kinumpirma ng kapatid niyang si Vingo Regino sa Facebook ang pagkamatay ng kapatid niya sa edad na 59.
Saad ni Vingo, “Nakakalungkot naman ang araw na ito…wala na ang Kuya April Boy ko.”
Nag-trend din sa Twitter ang hashtag na #AprilBoy Regino na laman ang tweets ng kalungkutan at pamamaalam.
Most-loved for his hit songs “Di Ko Kayang Tanggapin” at “Paano Ang Puso Ko” noong 90s si April Boy.
Signature look niya ang mahabang buhok at bull cap.
Nakikiramay kami sa naulila ni April Boy. May he rest in peace…
May pabahay!
Binigyan ng house and lot ng Godfather Productions producer na si Joed Serrano ang baguhang si Ricky Gumera nang makita niya ang bahay na tinitirhan nito sa Cavite.
Isa si Ricky sa bida sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer.”
Sumasali siya sa male pageants at isang ramp at commercial model. Pumasa siya sa panlasa ni direk Joel Lamangan kaya isa siya sa binigyan ng malaking role sa movie.
Ibabawas na lang ni Joed ang house and lot sa share niya sa kikitain ng movie. Pangako kasi ni Joed na divided by 6 ang lahat ng kikitain ng pelikula sa mga bagets na artista.
Nakatakdang magkaroon ng premiere ang “Anak ng Macho Dancer” sa UP Theater para uncut version ang mapapanood.
Kasama rin sa movie sina Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia at Rossana Roces.