BY RUEL J. MENDOZA
May bagong pagkaka-abalahan si Bea Binene!
Napili siyang maging ambassadress ng Department of Labor and Employment (DoLE).
Ang Labor Secretary mismo na si Silvestre Bello ang siyang nag-appoint sa aktres.
Sinorpresa nito si Bea habang nagsu-shoot ito ng segment para sa radio show na “Oh My Job!” ng DZBB at GMA NewsTV.
Sa post ni Bea via Instagram, nagpasalamat ito sa pagbigay ng tiwala sa kanya ng DoLE.
Aniya, “This is suuuuch an honor (and a responsibility, of course!)”
“Thank you, Director Rolly, Labor Secretary Bello and of course, the whole DOLE family!”
Kasama ni Bea sa pagho-host ng “Oh My Job!” sina Arnell Ignacio at Tuesday Niu.