BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Napanuod niyo ba ang commercial ng softdrinks na RC? Marami raw ang na-offend kasi may ampon na topic. Baka raw maapektuhan ang mga batang ampon. Ikaw, anong masasabi mo?
Claudia ng Pasay City
Hi Claudia,
Sobra naman! Baka kapag nag-joke ako ng knock-knock eh magalit ang mga homeless kasi wala silang pinto! Ano masasabi ko sa commercial? Basta iinom ako kasi dahil sa commercial na yan na nag-viral eh nalaman ko na may RC pa pala! Yun naman ang mahalaga dun!
*
Hi Alex,
Malapit na ang Pasko. Bibigyan kaya ako ng mga ninong at ninong ko ng aginaldo ngayong Pasko kahit may pandemic?
Peter ng Cubao,
Quezon City
Hi Peter,
Wala ngang pandemic, hirap makita ang mga ninong at ninang, ngayon pa kaya na may pandemic! Next year na lang!
*
Hi Alex,
May naibalita na may nakita raw na obelisk o isang bakal na istraktura sa isang disyerto sa Amerika. Madami raw ang nagtataka kung bakit meron nun sa disyerto, sino ang naglagay at para saan iyon. Ilang araw lang eh nabalita naman na wala na raw ito at hindi rin malaman kung sino ang at paano tinanggal? Ano ba ang reaksyon niyo dito?
Franz ng Pampanga
Hi Franz,
Oo nga, nabalitaan ko rin yan. Kapag ganyang mga misteryosong bagay, lalo na kapag yung mga galing sa pyramid sa Egypt at mga mummy, eh dapat hindi yan pinapakialaman. Ngayong taong 2020, dapat ingat na tayo sa pakikialam sa nature. Hindi pa ba tayo nadadala. Wala munang makulit! Patapusin muna natin ang taong 2020! Madaming kababalaghan at kapahamakan ang nangyayari sa taong ito. Buti nga nawala yang bakal na yan sa disyerto, baka mamaya, may mga aliens dyan! Malamang kaya nawala yan kasi nabalitaan ng mga aliens na may COVID-19 dito at natakot sila mahawa!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]; facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007