BY ROWENA AGILADA
Mukhang tuloy na ang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd Cruz.
Nag-post ang aktor sa socmed ng mga katagang: “on location.”
Hindi lang malinaw kung pelikula o TV show ang ginagawa niya.
O, baka naman, another commercial shoot ito.
Ang tiyak ay gagawa si JLC ng isang TV project dahil nakapirma na siya ng kontrata sa Brightlight Productions ni Albee Benitez.
Mapapanood ‘yun sa TV5.
Diumano’y isang sitcom ‘yun na si Edgar “Bobot” Mortiz ang direktor.
Si Bea Alonzo diumano ang napipisil maging kapareha ni John Lloyd.
Ibigay na kaya?
Sa isang interbyu kay Phillip Salvador ay nasabi niyang long overdue na ang National Artist Award na dapat ay matagal nang naibigay kay Nora Aunor.
Ayaw nang umasa ni La Aunor dito na aniya, kung ipagkakaloob sa kanya ang parangal, salamat, kung hindi naman, salamat pa rin.
Sapat na sa kanya na naniniwala ang kanyang fans and supporters na karapat-dapat siya bilang National Artist.
Iniisip naman ng netizens na hindi raw kaya dahil sa pagiging malapit ni Phillip sa Duterte administration ay maaprubahan na ang paggawad ng naturang award kay Nora?
By the way, simula ngayong Lunes ay balik-ere na ang “Bilangin ang Bituin sa Langit” sa GMA Afternoon Prime Time. Kasama rito ni Nora sina Kyline Alcantara, Isabel Rivas, Yasser Mata, Gabby Eigenmann, Mylene Dizon, atbp.