By RUEL J. MENDOZA
Malaki ang pasasalamat ni John “Sweet” Lapus sa pagkakasama niya sa TV5 teleserye na “Paano Ang Pasko?” dahil naihango raw siya ng project na ito sa naramdamang matinding anxiety at depression.
Dahil daw sa pagkakaroon ng lockdown at pagkakasara ng ABS-CBN kaya ginupo ng takot si Sweet dahil hindi raw niya alam ang sunod na gagawin dahil biglaan ang lahat ng pangyayari.
“During the lockdown, ilang weeks ako hindi nakatulog, wala akong ganang kumain at nag-falling hair pa ako!
“I can usually predict or plan my future, pero itong COVID na ito ang hindi ko inasahan. Ang ganda na ng momentum ng career ko as writer/director for the past two years tapos biglang nahinto. Isip ako ng isip kung ano gagawin ko sa buhay?
“May savings naman ako pero alam ko madaling mauubos kung walang papasok ma trabaho. May mga bayarin at utang pa ako. Hindi ako mahilig humingi at mangutang sa ibang tao.
“Nakadagdag pa sa anxiety ko that time ang hindi ko nakikita ang mga kaibigan ko na source of my energy and creativity,” sey ni Sweet.
Naging savior ni Sweet ang TV5 nang isama siya sa cast ng “Paano Ang Pasko?”
“Salamat sa Diyos at nandyan na naman ang TV5 na dumadating sa panahon na kailangan ko sila. ‘Paano Ang Pasko?’ ay ang first soap ko with TV5 and Idea First. Malaking factor ang muling pagsigla ng TV5. Maraming artista ang nawalan ng trabaho dahil sa hindi pag-grant ng franchise sa ABS-CBN. Kasama na ako doon.
“Malaking asset sa TV5 ang pag-co-produce/blocktime ng Idea First, Brightlight, Quantum at iba pang independent producers.”