BY JUN NARDO
Aminado si Congressman Alfred Vargas na nahirapan siya sa tahimik na acting niya sa “Tagpuan.”
Ito ay dahil sa treatment ng batikang manunulat na si Ricky Lee.
Pahayag ni Alfred, “Mas mahirap! Kanina nga nang mapanood ko, parang nakita kong may bago na namang dimension ang character ko! Ganoon pala ‘yon? Ganoon pala ang pagkakasulat ni Ricky Lee?”
Nagkaroon ng press preview ang “Tagpuan” sa Sine Pop nitong nakaraang mga araw.
“So you just have to trust the script at isapuso ‘yung mangyayari. Kasi ngayon ko lang ito uli napanood sa big screen! Wow!
“I’m happy to say na may mga line na rin ako sa Philippine cinema na Ricky Lee lines,” saad pa ni Alfred.
Intended para sa First Summer Film Festival ang “Tagpuan” pero dahil sa pandemic ay hindi ito natuloy.
Suwerte namang napili ito sa Metro Manila Film Festival na mapapanood via upstream.ph.
“Malaki ang potential sa platform na ito. Tiyak na dadami ang magkakaroon ng trabaho at mas mura siya,” ani Alfred.
Ang big revelation sa movie ay si Shaina Magdayao na first time mapapanood sa character niya misteryosa at mapagpanggap!
“I was mesmerized with Shaina’s acting here!” diin ni Alfred na producer din ng “Tagpuan.”
Bida rin sa pelikula si Iza Calzado.