BY ROWENA AGILADA
Na-food poison pala si Lani Misalucha at matagal siyang na-confine sa hospital, kaya nawala siya sa “The Clash” bilang isa sa mga hurado.
Pati ang asawa niyang si Noli ay na-food poison din.
Matindi raw ang bacterial infection sa mag-asawa, kaya kinailangang i-confine sila sa hospital.
Fake news na nagka-COVID-19 sila.
Hindi naman agad kasi ipinaalam ni Lani kung ano’ng nangyari sa kanilang mag-asawa!
Lingid sa kaalaman ng lahat, mula noong umpisa ng lockdown ay sa isang bahay ni Willie Revillame nakatira si Lani and husband.
Long-time friends sina Lani at Willie. Ito mismo ang nag-alok na tumira ang mag-asawa sa bahay niya.
Hindi pa handa
Seven years nang kasal sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Dalawa na ang anak nila na parehong babae.
Nag-renewal of vows sila sa “Magandang Buhay” kamakailan. Isang kaibigang pari ang nagbasbas.
Inamin ni Jason na hindi pa siya handang magpakasal noon kay Melai. Kaya lang ay nabuntis niya ito.
Bago sila ikasal ay nag-seminar sila. Sinabihan siya ni Melai na puwede siyang mag-backout kung gusto niya. Ani Jason, gusto niyang panagutan ang nangyari sa kanila bilang respeto sa mga magulang ni Melai.
Maraming pagsubok silang pinagdaanan. Naging “rock and roll” ang buhay nila hanggang naghiwalay sila.
After a year ay nagkabalikan sila. Since then ay naging maayos na ang pagsasama nila.