By RUEL J. MENDOZA
Thankful ang Kapuso singer-comedian na si Nar Cabico sa natanggap niyang Best Actor nomination mula sa FAMAS para sa performance niya sa indie film na “Akin Ang Korona.”
Last year, si Nar ang nagwaging best actor sa Sinag Maynila Film Festival.
Post ni Nar sa Facebook, “Thank you #FAMAS2020 for the Best Actor Nomination! Nakakakilig naman, may pakipkip si 2020! Aaaaaa salamat Lord! Salamat sa aming napakahusay na Direktor Zig Dulay at sa aking supporting beztee on and off screen Phillippé Louisé. Mama Lovely Rose, you used to say “Pang-FAMAS ka talaga!” Eto na nga at nagdilang anghel ka!”
Mga co-nominees ni Nar for best actor ay sina Alden Richards, Elijah Canlas; Jansen Magpusao; Kristoffer King; at Gold Azeron.
Nasa US si Nar kasama ang kanyang husband simula noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Nagpapasalamat si Nar dahil tuluy-tuloy naman daw ang trabaho niya bilang singer dahil na rin sa imbitasyon ng mga kapwa Pinoy.