BY RICA CRUZ
Dear Doc Rica,
May bestfriend po ako na babae na feeling ko po ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya, pero natatakot po akong sabihin. Ngayon po ay may nanliligaw na sa kaniya at natatakot ako na mawala na siya bilang kaibigan ko. Nagagalit din po ako sa nanliligaw na di naman guwapo! Alam ko po wala ako sa lugar, pero hindi ko na maintindihan ang feelings ko ma’am. Tulungan niyo po sana ako.
Jealous Beshie
Hello Jealous Beshie,
Madami ang katulad mong na-iinlove sa kanilang bestfriend. Dahil sa pagiging close ninyo sa isa’t-isa at pagiging madalas magkasama, hindi naman talagang kakaiba na magkagusto kayo sa isa’t-isa. Pero in this case, ikaw lang ang alam nating may gusto sa kaniya. Kung gusto ka niya ay hindi pa natin alam. Thus, you need to ask yourself: Gusto mo bang malaman?
But before you answer, tanungin mo muna ang sarili mo: Sa tingin mo ba ay mahal mo talaga siya? In love ka ba talaga sa kaniya o baka naman ay nagseselos ka lang at natatakot ka na mawala siya dahil may nanliligaw sa kaniyang iba? Will you put her happiness before yours? Do you wish what’s best for her? Kung saka-sakaling sagutin niya ang nanliligaw sa kaniya, matutuwa ka ba para sa kanila o magagalit ka at magseselos? Magiging mitsa ba iyon ng pagiging bestfriends niyo?
Kapag naisip mo na ang mga sagot sa tanong na ito at narealize mong mahal mo talaga siya, ang sunod na isipin mo ay kung kaya mo bang magtapat sa kaniya. At kung magtatapat ka, ready ka bang tanggapin kung ano ang reaksyon niya?
Ito ang mga bagay na kailangan mong pagisipan, dahil kapag nasabi mo na sa kaniya kung ano ang nararamdaman mo, ang nakasalalay na lang sa iyo ay kung paano mo tatanggapin kung ano man ang sagot niya. Nakakatakot, oo. Pero dapat pagdaanan.
Totoo naman na ang pinakamasayang couples ay ang mga mag-bestfriends. Madami nang mga studies na nagsasabi na kung mag bestfriends kayo ay magiging matatag at masaya ang pagsasama niyo. Pero siyempre, hindi naman ganoon kadali ‘yun. Puwede rin naman kasi na masira ang inyong pinagsamahan dahil sa relasyon ninyo.
Pero, you will never know an answer to a question you did not ask. Hindi mo malalaman,
lalo na kung itatago mo lang. Hindi ka rin magiging honest sa sarili mo at sa kaniya kung itatago mo lang. At kung itatago mo naman, mas magiging masakit ang pagsisisi kapag may boyfriend na siyang iba. Kaya kung ako sayo, magtapat ka na, wala naman mawawala, di ba?
Good luck! Doc Rica
*
Rica Cruz, PhD, RPsy is a Psychologist, Sex and Relationship Therapist. She is a cohost of the program Feelings at OnePH Channel 1, and listen to her podcasts, Conservative Ako and The Sexy Minds. Follow her on Facebook.com/ thesexymind or Instagram @_ricacruz.