By RUEL J. MENDOZA
May grand opening ngayong araw, Dec. 18, ang anim na gasoline stations ni Ken Chan na iFuel.
Magbubukas ito sa San Fernando, Pampanga, Baliuag, Bulacan, Angeles, Pampanga, Cebu, Alfonso at Tanza, Cavite.
Sey ni Ken, childhood dream niya ang magkaroon ng gasoline station.
“‘Di ko alam kung bakit at ‘di ko alam na mararating ko siya kaya thank you, Lord.”
Dahil na rin sa sipag sa kanyang trabaho ay nagawa niyang makapag-ipon at mag-invest sa isang business na alam niyang walang lugi.
Sey pa ni Ken na perfect timing ang pagsisimula ng negosyo dahil ang pagkakaroon ng extra income ang isa sa mga natutunan niya matapos maranasan ang COVID-19 pandemic.
“Habang andito kami sa showbiz, meron tayong mga ginagawang business na kailangan talaga because maraming pina-realize sa ‘tin ang 2020 at isa na dito ‘yung mag-ipon, magtipid, at magkaroon ng business. At ito talaga ang pinakaplano ko for 2021, ang magkaroon ng hanapbuhay bukod sa showbiz at sana i-bless tayo ni Lord ng magandang business.”