By RUEL J. MENDOZA
Unti-unti nang nakakabangon sa kanyang showbiz career ang “StarStruck” Season 7 Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon.
Inamin ni Kim na nalungkot siya noong biglang magkaroon ng lockdown last March kung kelan marami na raw trabaho na nakahanda para sa kanya.
January 2020 nang i-declare siyang winner ng “StarStruck” kasama si Shayne Sava.
“Nakakabigla lang po dahil natigil lahat. Bale two months ko pa lang nae-enjoy ang pagiging winner ko sa StarStruck tapos biglang nagkaroon ng pandemic.
“During those months, umuwi muna ako sa Batangas to be with my family. Bukod sa napanalunan ko, naging source of income namin that time ay yung tricycle namin. Minsan ako yung nagda-drive kapag may nag-aarkila for delivery sa palengke. Naka-face mask naman ako kaya hindi ako nakikilala.”
Ngayon ay unti-unting nagiging busy si Kim dahil sa YouTube channel show niya na “The Cray Crew” kasama sina Allen Ansay, Abdul Raman at Radson Flores.
Tuloy pa rin ang pagsayaw ni Kim sa “All Out Sundays” and soon ay may gagawin na siyang teleserye.