Tumayo ang mga balahibo sa katawan ng aktor na si Joseph Marco nang makita ang bahay sa Saga, Japan na ginamit nila sa shooting ng filmfest entry ng Regal “The Missing.”
Kuwento niya sa amin, “Sanay na akong mag-shooting sa abroad. Pero kakaiba ang feeling ko nang mag-shoot kami sa Japan ng ‘The Missing.’
“May something ako naramdaman nang makita ko ‘yung bahay na gagamitin namin sa shoot. Tumayo ang balahibo ko. Parang may takot!”
Habang nasa Japan, tumulong sa kanila ang Saga Film Commission sa shoot.
“Very systematic ang trabaho namin. Maaga ang call time at very professional lahat. Sarap magtrabaho kahit super-lamig that time,” sabi naman ni Ritz Azul na kasama rin sa movie na dinirek ni Easy Ferrer.
Impressive!
Very entertaining ang pelikulang “Magikland” na prinodyus ng Brightlight Productions ng former congressman na si Albee Benitez.
Sa pelikula na huling istorya ng yumaong director na si Peque Gallaga, nandoon pa rin ang touch niya na ipinamalas sa una niyang movies gaya ng “The Magic Kingdom.”
Apat na child actors ang bida sa pelikula sa pangunguna ni Migs Cuaderno. May mga bagong creatures na first time makikita sa screen!
Ang galing ni Bibeth Orteza na may malaking papel sa movie. Swak na swak ito sa buong pamilya ngayong Pasko!