Tinalo ni Kiray Celis ang mga nagtatamis-tamisan na couples sa social media dahil sa pagpost nito ng mga pinadala sa kanyang regalo ng non-showbiz boyfriend niyang si Stephan Estopia sa lock-in taping ng “Owe My Love.”
Hindi kasi nagkasama ang dalawa noong first anniversary nila dahil bawal lumabas si Kiray sa lock-in taping nila.
Kaya nagpadala na lang si Stephan ng bouquet of roses at chocolates para sa kanyang ladylove.
“Aba aba aba! May paandar naman pala! Nagulat ako may tumatawag. Delivery daw sa baba ng taping namin galing daw kay Stephan Estopia. Ayyysuuus naman! Thank you daddy! Super understanding mo. First anniv natin asa work ako. Pero iniintindi mo tapos sinurpresa mo pa ako. Thank you. Ikaw na! Hanggang simbahan na ‘to. Chos,” post ni Kiray sa Instagram.
Nagpa-deliver naman si Kiray ng cake kay Stephan. “Wala na ‘kong masasabi sa kabaitan mo, sa pag-aalaga mo, sa pagmamahal mo, sa pag-iintindi mo. Saludo ako sa ‘yo. Salamat sa lahat dad. Worth it lahat ng nangyari sa buhay ko kasi binigay ka ni Lord sa ‘kin. Sobra akong nagpapasalamat sa Kanya kasi nakilala kita. Bonus na lang ‘yung naging akin ka,” post pa ni Kiray sa IG.