BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantaypantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Bawal ang mangaroling sa darating na Pasko. Pero alam mo naman tayong mga Pinoy, maparaan kaya naisipan naming gawing online para at least magkapera naman ngayong Pasko. Online o live, ang mahalaga eh may caroling para tuloy ang spirit of Christmas. Iwas pa sa huli. Ang ibabayad sa amin, idaan na lang sa GCASH. Effective kaya ito?
Gerry ng Paco
Hi Gerry,
Online caroling ang naisip niyo para matuloy ang spirit of Christmas. May mga nalalaman pa kayong spirit spirit eh gusto niyo lang kumita! Hanep no, basta pagkakakitaan, gagawa talaga tayo ng paraan. Pero kapag ang misa ang ginawang online, lahat tayo kontra o kaya walang nagsisimba! Pero sige, kanya-kanyang diskarte ‘yan! Tuloy niyo ang online caroling dahil malamang ang mangyayari, online din ang tago ng mga tao. Kung dati, mangaroling ka sa tapat ng bahay walang tao, ngayong online, baka mahina ang Internet o kaya lag ang dahilan ng mga tao. Goodluck!
*
Hi Alex,
Hello po, ako po si Roger, seven-years-old po ako at naghihintay po ako kay Santa sa darating na Pasko. Makakarating po kaya si Santa sa Pasko?
Roger ng Singalong