Hello sexy friends, ang daming nakuhang tanong tungkol sa penis size at condom dahil sa huli naming episode ng Feelings. Kaya, I’m posting a previous column regarding this here. Sana makatulong at makapagbigay linaw sa inyo. 🙂
*
Dear Doc Rica,
Magandang araw. Nakakahiya man aminin, hindi kalakihan ang aking ari. Pero gusto kong magsimulang magpractice ng safe sex with my girlfriend. Naka-pills kasi siya ngayon pero mukhang hindi sya komportable dito. Kaya naiisip kong mag-condom. Pero natatakot akong baka mamaya ay dahil hindi nga kalakihan si “jun-jun” ay baka naman mahugot o mahubad ang condom at maging dahilan pa ng mas maraming problema. Salamat in advance sa advice.
Bullet Day
Magandang araw din sa’yo, Bullet Day!
Kudos sa iyo sa pagpapractice ng safer sex using condoms. Makatutulong ito para maiwasan ang pagkalat ng STIs and HPVs. Maganda din na kinoconsider mo ang well-being ng iyong girlfriend at kung anong makakabuti sa kanya. Meron talagang instances na hindi hiyang ang mga babae sa oral pills used for contraception.
Iba’t-ibang hugis at size ang mga tao at kasama na dito ang penis nila. To be frank and straight, kung maliit ang ari, may chance na magfail ang condom at dumulas at maalis ito. Ang average size ng erect penis ay around five inches, at usually ang mga available na condoms dito ay kayang magcater sa kahit mas maliit na size ng “jun-jun.” Kaya hindi ka dapat mag-alala.
Ang mga condom ay dapat fit at walang sobrang material o maluwag sa pakiramdam. Sa ating market, Asian sizes tayo na usually walang masyadong variations with sizes. Subukan mong magsukat ng mga ito to make sure na hindi ito maluwag. Icheck mo na din kung saang brand or variant ka mas komportable. Para din before sex, alam mo na what to go for.
Later on, maaari din kayong komunsulta sa inyong nearest health center kung ano ang pinakamabisa at applicable na contraceptive method given the condition that you have. Pero above all, maraming ways for sexual pleasure that is safe but still enjoyable apart from just penile penetration. Always enjoy and be safe!
*
Rica Cruz, PhD, RPsy is a Psychologist, Sex and Relationship Therapist. She is a co-host of the program Feelings at OnePH Channel 1, and listen to her podcasts, Conservative Ako and The Sexy Minds. Follow her on Facebook.com/thesexymind or Instagram @_ricacruz.