BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Nagsabi po ang World Health Organization na immune daw sa COVID19 si Santa Claus. Saan kaya nila nakuha ang balita na ito? Paano nila nalaman? Nagpa-swab test ba si Santa? Nakakagulat kasi ang balitang ito at natutuwa kami para kay Santa! Happy rin po ba kayo para kay Santa, Tito Alex?
Gabriel ng Ibaan
Hi Gabriel,
Hay naku! Ayan talagang World Health minsan pahamak! Aasa tuloy ang mga bata na makakarating si Santa sa Pasko! Alam mo ba ang ibig sabihin nito! Mapipilitan ang mga magulang na lumabas para mamili ng regalo, isa na galing sa kanila at isa galing kay Santa! Eh kung si Santa immune sa COVID-19, ang mga magulang hindi! Pero teka Gabriel, ilan taon ka na ba? Kung bata ka, masaya ako para kay Santa. Pero kung matanda ka na, puwede ba, alam mo naman kung ano ang totoo!
*
Hi Alex,
Magtratrabaho na ako sa January at kailangan na magpa-swab test. Natatakot ako dahil anti-gen daw ang gagawin. Diba yun ang pinapasok ang swab stick sa ilong. Masakit yun di’ba? Nakita ko sa post mo sa FB na dumaan ka na sa antigen swab test. Masakit ba talaga? Ano ba ang mas masakit, sa kaliwa o kanang butas? Anong technique para hindi masakit? Salamat Tito Alex?
Maximo ng Bacoor