BY RICA CRUZ
Dear Doc Rica,
Medyo may problema kasi ako sa boyfriend ko. Medyo bago pa lang kami pero kapag nagse-sex kami, parang ang tagal niya bago matapos. Minsan nga umaayaw na ako at kailangan niyang mag-masturbate para lang matapos. Pinag-iisipan ko kung dahil ba ito sa lagi siyang magmasturbate noong bata siya. Naiisip ko din kasi minsan na baka ako naman ‘yung may problema kaya hindi siya makapagclimax. Paano kayang puwedeng gawin para maging mas okay ‘yung sitwasyon namin?
Welcome Plant