By DELIA CUARESMA
Walang eksaktong bilang pero we’re very sure maraming mga barako ang naghihimutok matapos ianunsyo ng seksing si Roxanne Barcelo na nagpakasal na siya.
“Roxanne is officially married, I am taken,” diin niya.
Wow, huh!
Anyway, sikreto ang identity ng kanyang husband pero base sa mga posts niya sa social media e mukhang foreigner ito.
Wagi na naman ang mga conquistador!
Biro lang!
Matatandaan na nitong Marso lang ipinaalam ni Roxanne na may bago siyang idine-date.
Nitong Disyembre 24 naman niya sinabi na jowa na niya itong si lalaki.
Mabilis ang mga pangyayari pagkaraka.
Ani ng bombshell, “My partner asked me to marry him and he said he wants to start a family with me.
“It was a beautiful moment because he asked me twice.
“He actually asked me a few months after quarantine, pero since naka-lockdown pa no’n, all we knew was we were going to get married before the year ends.”
“Totoo pala na when you know, you know,” dagdag pa niya. “I knew from the start na siya yung para sa akin.”
Bago ito, ang huling nakarelasyon ni Roxanne ay ang model-actor na si Will Devaughn na foreigner din.
Naghiwalay sila noong 2018 pagkatapos ng apat na taong pagsasama.
Anyway, congrats Roxanne!