By RUEL J. MENDOZA
Kaka- 21 lang last Dec. 20 ng Kapuso hunk na si Migo Adecer at isa sa pinapasalamat niya ay ang limang taon niya sa showbiz.
Tinanghal si Migo bilang Ultimate Male Survivor sa sixth season ng reality-based artista search na “StarStruck” noong 2015.
Sunud-sunod ang mga naging shows nito sa GMA tulad ng “Encantadia,” “My Love From The Star,” “The One That Got Away,” “Ika-5 Na Utos,” “Barangay 143” at ngayon sa primetime series na “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.”
Maraming natutunan si Migo mula sa kanyang mga karanasan sa showbiz sa loob ng limang taon.
“Well, for sure I’m definitely a different person from when I first started. Mas marami na akong alam sa craft natin ngayon sa showbiz. Of course, it’s definitely been hard, there were a lot of difficult times, it is not easy pero the good outweighs the bad naman. Grateful lang ako na mayroon akong opportunity na maging artista sa GMA. It’s been a humbling experience, I can say that.”