BY RUEL J. MENDOZA
Ang Filipino-Canadian voice actor na si Eric Bauza ang magbibigay ng boses sa ilang iconic Looney Tunes character sa sequel ng pelikulang “Space Jam.”
Pinalabas ang unang “Space Jam” noong 1996 at bida rito si Michael Jordan na kinidnap nila Bugs Bunny, Sylvester, Porky Pig at Daffy Duck para labanan ang mga aliens na gustong sakupin ang Looney Tunes World.