BY DELIA CUARESMA
Nalagay pala sa alanganin kamakailan health-wise itong si Andrew E.
Hindi ito COVID-19 related. Ani ng aktor-rapper, “Nagkaroon ako ng cholesterol blockade.”
Dahil dito ay sobra siyang nanghina.
“Ang lakas ko is like 30%… Kapag hahawak sa rail, ang kailangan ko dalawang (kamay),” aniya.
Laking pasalamat ni Andrew na malagpasan ang pagsubok.