Aminado ang Kapamilya actress na si Ritz Azul na dahil first time niyang gumawa ng horror movie with “The Missing” ng Regal Entertainment ay nagduda siya kung kakayanin niyang itawid ang kanyang role sa nasabing MMFF 2020 entry.
Nag-alinlangan pa raw siya noon na tanggapin ang pelikulang ito, kunsaan kasama niya sa cast sina Joseph Marco at Miles Ocampo, mula sa panulat at direksiyon ni Easy Ferrer, and mostly were shot sa Saga, Japan.
“Unang una, hindi pa kasi ako gumagawa ng horror. Medyo nag-doubt ako sa sarili ko kung kakayanin ko ba yung horror na ito. At hindi ako matatakutin. So paano kaya?
“Pero go kasi sa Japan,” natatawang sinabi ni Ritz.
’”So, gusto kong ma-try kasi horror na lang yung hindi ko pa nagagawa. Gusto ko ma-try and tingnan kung kaya ko ba talaga yung horror at nung nakapag-Japan na naman kami, sobrang saya.
“So ganun kami ka-close kaya sobrang saya namin,” kuwento pa niya.
Kahit na first time maghorror si Ritz sa “The Missing,” sa isang online movie website, pinuri ng film reviewer na si Wanggo Gallaga ang solidong pagganap niya sa pelikula.
“… If anything, it is Ritz Azul who is the anchor to ‘The Missing,’ delivering a solid performance of a woman who is desperately trying to hold herself together as she’s thrust into an unfamiliar world,” pagpuri ng kritiko sa ipinamalas na pagganap ni Ritz.
Dagdag ng aktres, nakarelate siya sa character niya dahil sa totoong buhay raw ay may personal trauma siyang pinagdaanan – tungkol ito sa kanyang inang si Anggie.
“Nakaka-relate ako sa character ni Iris, kasi yung nanay ko nagkaroon siya ng anxiety, ng depression, so mas naintindihan ko yung nararanasan ng nanay ko. Lalo akong napalapit sa nanay ko,” sabi ni Ritz.
Sa loob ng ilang taon daw, may “anxiety disorder” na ang kanyang mom.
“’Yung character ko na si Iris, may anxiety attacks rin siya kaya nagpapatingin siya sa psychiatrist regularly. Sa pamamagitan ng role ko dito, parang na-experience ko rin ang pinagdadaanan ng nanay ko sa totoong buhay.”
Shot in Saga, Japan, nakatulong ang location – ang Maeda Residence, isang ancestral home na 150 years old na – sa horror feels.
“Parang maze ‘yung bahay,” sabi ni Direk Easy. “Kinalibutan na ako noon pa lang pagpasok namin sa bahay. Winarningan kami ng caretaker na dapat ay mag-perform kami ng parang ‘purification rites’ bago magshooting.
“May mga lugar rin daw sa bahay na ‘yun na hidni puwdeng mag-shoot tuwing gabi.”
Available ang “The Missing” for streaming sa www. upstream.ph until January 7. Tickets are sold via GMovies.