By RUEL J. MENDOZA
Hindi naging madali para kay Kapuso hunk Mike Tan at sa kanyang misis ang nagaganap na pandemic, lalo na’t may dalawa silang anak na inaalagaan, ang 2-year old nilang si Victoria at ang 10-month old nila na si Priscilla.
Aniya, “Mahirap kasi very limited yung trabaho na na-i-o-offer sayo. Eh kami, dalawa na yung babies namin. So iniisip namin ano kailangan namin gawin. Ano dapat baguhin sa lifestyle namin. Na-stop lahat e.
“Akala namin first three months lang ang pandemic at tapos na. Tapos na-extend na ng na-extend so naisip namin, we need to start something new para doon umikot yung pera namin. So nag-isip na kami kung paano magkakaroon ng bagong source of income.
“Yun yung pinakamahirap sakin kasi as a father I need to provide for my family. I think yun yung naging pinakamalaking responsibilidad,” sey pa ni Mike.
Nakapag-establish na since then ang mag-asawa ng isang online business para sa kanilang bine-bake na cinnamon rolls. Meron din silang page para sa mga pre-loved items.
Kahit dumaan sa hirap, nanatili raw matatag ang pagsasama nilang mag-asawa.