BY ROWENA AGILADA
May mini-farm si Erich Gonzales sa likod-bahay nila.
Ipinasilip niya ito sa kanyang mga fans via her YouTube vlog.
Doon makikita kung paano niya hina-harvest ang mga tanim niyang kalamansi, dahon ng malunggay at saging na saba.
Si Erich mismo ang nagputol ng puno ng kalamansi gamit ang isang lagare. Isang palanggana ang na-harvest niya at nag-joke pa siya na ibebenta niya ang mga ‘yun.
Pinutol din ni Erich ang puno ng malunggay gamit naman ang isang malaking itak. Ganun din ang puno ng saging na saba.
Ang lakas ni girl!
Gusto niya eventually magkaroon ng malaking farm, dahil daw nag-e-enjoy siya sa pagtatanim at pagha-harvest.
Laking-probinsiya si Erich na aniya, noong bata pa siya’y mahilig siyang umakyat sa mga puno.