BY JUN NARDO
Agad nilinaw ni Ruffa Gutierrez ang panig niya sa kumakalat na balita na nagkakamabutihan na sila ni Derek Ramsay.
Nagsimula ito nang kumalat sa social media ang litratong dinaluhang dinner kasama sina Derek Ramsay, Ellen Adarna at iba pa sa bahay ni Derek mismo sa Ayala, Alabang nito ng nakaraang mga araw.
Eh may pictures pang magkasama sina Ruffa at Derek kaya tumindi ang tsismis sa kanilang nagkakamabutihan, huh!
Pero sa Twitter aniya, “Hey Neighbor! Thank you for hosting the first of many more fun dinners with old & new friends.
“Before you react, Barkada lang kami ni @ramsay derek07 #Iba Ang Mahal Ko #LifeIsShort #BeHappy,” dagdag ni Ruffa.