BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
May alaga akong pusa at nakakalimang anak na siya. Sunod-sunod at iba-iba ang tatay ng mga anak niya. Hirap na ako alagaan ang mga anak niya at hindi naman niya inaasikaso. Kapag lumalabas siya eh kinakabahan ako kasi hindi ko alam baka mabuntis na naman. At kapag nabuntis na naman siya eh lalong madadagdagan ang aasikasuhin at papakainin ko. Ano ba ang gagawin ko para hindi na mabuntis ang pusa namin?
Cathy ng Cabanatuan
Hi Cathy,
Una, kausapin mo muna. Payuhan mo siya na mag-ingat sa susunod para hindi mabuntis. Siguro turuan mo ng birth control. At balaan mo na kapag nabuntis pa siya ay papalayasin mo na siya sa bahay niyo. Maiba tayo, ‘yung pusa mo may sex life, ikaw, baka naman naiinggit ka sa pusa kasi pag lumabas eh may sex life agad tapos ikaw eh nasa bahay lang at nganga! Buti pa ang pussy cat mo exciting ang buhay, ikaw Cathy, wala man lang kati sa katawan? Nagtatanong lang!
*
Hi Alex,
Sumulat ako dahil sa ate ko. Nag-aalala na ako sa kanya dahil paiba-iba siya ng boyfriend at hindi nagtatagal sa isang relasyon. Minsan, pinagsasabay pa niya bago niya bitawan ang isa. Nag-aalala ako para sa kanya kasi baka dumating ang araw na wala ng magseryoso sa kanya. Ano ba ang gagawin ko sa sitwasyon ng ate ko at ano ang maipapayo mo?
Precy ng Bacoor, Cavite