BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Simula bata pa lang ako eh marunong na ako mag-bike at sabi nila, kapag marunong magbike, matic, madaling matutong mag-motor. Kaya bumili ako ng motor para gamitin sa pagpasok sa trabaho. Ang problema, hindi ako matutong magmotor. Ang tagal ko ng inaaral eh talagang hirap ako. Lagi akong natutumba! Hinahanaphanap ng paa ko ang pedal ng bike! Kaya bike pa rin ang ginagamit ko sa pagpasok! Ano ba ang dapat kong gawin para,matutong magmotor?
Leroy ng San Pedro, Laguna
Hi Leroy,
Magka-perahas na dalawa ang gulong ng bike at motor pero hindi porke’t marunong ka mag-bike eh madali kang matututong mag-motor. May mga pagkakaiba rin sila, may pedal ang bike, wala ang motor. Ganito ang gawin mo,’yung motor mo, gawin mong depedal para ang pakiramdam mo, nagba-bike ka pa rin! O kaya, ganito, gayahin mo ‘yung mga bata na gumagamit ng training wheels sa bike. ‘Yung training wheels eh nilalagay sa bike pero
ang mga batang nag-aaral eh hindi matutumba sa bike. Ilagay mo ‘yun sa motor mo para hindi ka matumba! ‘Wag mo lang papansinin mo ang mga tutukso sa iyo! Focus!
*
Hi Alex,
May mga kaibigan ako na baliktad ang buong pangalan sa Facebook. Tapos kapag hindi ko na-add eh magagalit kasi snob daw ako. Paano ko sila add eh hindi ko naman mabasa mga pangalan nila. Bakit ba may taong mga binaliktad ang pangalan sa Facebook?
Tolits ng Divisoria