By ROWENA AGILADA
Pinagdudahan ni Ogie Diaz ang sinabi ng kaibigan niyang aktres na si Aiko Melendez na she’s happy for Ara Mina na engaged na sa non-showbiz boyfriend nitong si Dave Almarinez.
Dati nang natsismis na si Ara ang dahilan ng hiwalayan noon nina Aiko at Jomari Yllana.
Kung ikakasal na si Ara, happy din si Aiko sa boyfriend niyang si Vice-Governor Jay Khonghung. Waiting na lang si Aiko sa marriage proposal nito.
Kontrobersyal
Speaking of Jom, laman ngayon ng balita ang dating aktor.
Ayon sa ex-girlfriend nitong si Joy Reyes, naputulan sila ng kuryente dahil hindi diumano binayaran ni Jomari ang kanilang electric bill.
Wala rin daw financial support ang dalawang anak nila.
Ang dating sexy star na si Priscilla Almeda (Abby Viduya in real life) ang current partner ni Jomari.
Nang tanungin si Aiko kung galit ba siya kay Jomari, anang aktres, hindi siya galit, kundi buwisit siya rito.
Ang dami raw pangako ni Jomari sa anak nilang si Andre na wala
namang natutupad.
Ayaw
Mukhang matatagalan pa o baka hindi na magkaayos sina Aiko at Candy Pangilinan.
Nag-try na ang friends nilang sina Carmina Villarroel at Gelli de Belen na pag-ayusin sila, pero tumanggi si Aiko.
Gusto niyang bigyan ng leksiyon si Candy dahil sobrang nasaktan siya sa ginawa nito sa kanila ng boyfriend niyang si VG Jay Khonghun.
Thankful
Passion project ni Direk Mark Reyes ang live-action adaptation na “Voltes V.”
Thankful siya sa GMA7 na ipinagkatiwala ito sa kanya.
Humakot ng over 720,000 views sa YouTube, 1.7-million sa FaceBook at 800,000 sa Twitter ang teaser ng “VV.”
Abangan ang announcement ng official launching at cast members.