By JUN NARDO
Nadiskubre ni Dina Bonnevie ang pagiging cool at good father ni
Jay Manalo habang nasa lock-in taping sila ng Kapuso series
nilang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.”
“Before, I thought he was exactly the roles he plays. ‘Yung
babaero, happy-go-lucky, but I was surprised that he’s such a
cool father pala. He’s such a good dad,” saad ni Dina sa isang
interview.
Apparently, nakita ni Dina kung gaano ka-sweet si Jay sa mga
anak.
“Nakikita ko siyang nagbi-video call tuwing umaga sa anak na
lalaki at babae at nagsasayaw siya habang kausap ang mga anak.
Nakakatuwa na may ganitong side pala si Jay,” kuwento pa ng
aktres.
Anyway, simula sa Feb. 8 ay mapapanood na sa GMA Telebabad
ang fresh episodes ng “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.”
Interesting
Kaaliw ang kuwento at direksyon ng GMA News and Public Affairs
series na “The Lost Recipe,” huh!
Interesting! Hindi ito ‘yung pagkaraniwang panooring sa TV na
puro nagaaway ang mga characters na medyo nakaka-umay na.
Fresh na fresh ang tandem nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda
at nakakapanibago ang character ni Thea Tolentino, huh!
Maganda rin ang texture ng series na pinagsama ang makabago
at lumang panahon.
Yes, may time travel twist pa!
No wonder, trending sa Twitter ang first two episodes ng “The
Lost Recipe” dahil sa magandang flow at direction ng series.