Binasag na ni Jomari Yllana ang pananahimik ilang araw matapos paulanan ito ng mga kung anu-anong paratang ng dating ka-live-in na si Joy Reyes.
Ani ng aktor, na ngayon ay abala bilang councilor sa District 1 ng Parañaque, pawang kasinungalingan ang mga pinagsasabi ni Joy.
Hindi raw totoo na pabaya siyang ama. Patuloy daw na tinutustusan niya ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang anak maging si Joy.
Kalokohan din daw ang akusasyon na hindi niya binabayaran ang kuryente sa bahay na tinitirhan ni Joy dahilan upang maputulan ito kamakailan.
Totoo daw na minsan na de-delay ang kanyang sustento dahil na rin sa pandemic pero nakakapagbigay pa rin daw siya.
“Minsan may mga konting delays dahil sa pandemic. (But) I pay for everything naman.
“Ako nagbabayad ng bahay, ‘yung food nila, ‘yung vitamins ng babies, clothes… Kumbaga, food, shelter, and clothing.”
Pakiusap ni Jom sa dating jowa, tigilan na daw nito ang paninira sa kanya at wala daw na maidudulot na mabuti.
“Pinakisamahan naman namin siya. Ni isang beses, hindi siya nakarinig nang hindi maganda…Buong pamilya ko, tinanggap siya. Tinanggap siya nang buong-buo. Pinakisamahan siya.
“Pero, utang na loob, wala namang siraan.”
Hirit naman ni Joy, “As far as every aspect of parenting is concerned, I am doing them all alone. Lahat ng pangangailangan ng bawat isa sa mga bata sa bawat minuto ng bawat araw, ako lang lahat ang gumagampan mag isa. and since You, Jomari, are UNFIT to do all else, YOU HAVE ONE JOB. ONE JOB!! Sufficient, appropriate and timely PROVISION lang. ISA LANG. D mo pa magawa ng maayos.”